Monday, September 10, 2007

Lihi sa Mangga

Okay, so here goes. Sa lote likod ng aming bahay owned by one of my mom's sisters, nagtayo sila (aunt) ng apartment. Kakatapos palang nito at may ginagawa pang finishing touches but may umuupa na sa dalawang rooms.

May isang buntis na kasalukuyang umuupa du'n at nung dumungaw siya sa bintana, she saw our mango tree and immediately, inihayag n'ya ang kanyang paglilihi sa hilaw na mangga/green mango. Shocking, bibilhin daw niya ang mga bunga! Eh, kami naman, we're generous, so we had one of the carpenters nearby na umakyat at pitasin ang ilang bunga. Naibigay na namin sa kanya, hindi namin pinabayaran at nagpasalamat siya. Okay naman...

PERO, diba may pamahiin na masama daw yung pinaglilihian ng isang buntis na 'di mo kakilala ang isang bagay within your bakuran?!? What's that superstition all about? Enlighten me please, lol

No comments: